Live selling nauwi sa Live Raid gulat na gulat si sir

Alam naman ng lahat ngayon na sobrang hirap ng buhay, sobrang humanap ng pagkakakitaan, talagang sobrang hirap buhayin ang pamilya at bukod pa rito hindi tayo nawawalan ng gastusin, gaya ng pagbabayad sa tubig, kuryente, internet, load, pagkain at iba't-iba pang mga essentials na mas kailangang pag tuunan ng pansin, kaya naman tayong mga Pilipino ay may iba't-ibang way para kumita ng pera.

Alam naman natin na pati ang mga trabaho ay nalimitahan merong 20% nalang ang natitirang empleyado meron din namang 50% ngunit kamakaylan lang ay medyo lumuwag at mas marami na ang mga nag bukas na trabaho ngunit nitong Marso lang ay nagsimula ulit humigpit dahil sa pag taas nanaman ng kaso.

Isa si Direk Paul’s Classroom sa mga kapwa Pilipino natin na naghahanap buhay online, nag bebenta ito ng mga bags at iba pang mga fashion accessories

Libo-libo na ang followers ni Direk Paul sa kanyang Facebook page kung saan siya nag bebenta ng mga bags, ngunit nitong March 19, 2021 nagulantang ang lahat habang nag la-live selling si DIrek dahil may hindi imbitadong bisita ang biglang bumulaga sa kanya, may mga dala itong tila malalaking sako at mga naka yuniporme at may mga kasama pa itong media.

Ayon sa ilang mga nakabili na kay Direk ang presyo ng kanyang mga bags ay 12,000 to 25,000 pesos pero ang kalidad nito ay talagang hindi kaaya-aya para sa presyo nito, may ilang kinumpara pa ito sa mga nabibili sa Divisoria na worth 300 na di umano ay same quality ng tinitinda nito.

Ayon sa post ni I Love Sofia Online:

Huminto ang mundo ng LIVE SELLING kagabi dahil dito! Kaya napaka halaga ng mga details na iniinput nming mga seller sa mga bnebenta namin.And that is why nilalagay ko tlga kung 💯% Original ang mga products na bnebenta ko kc mahirap mag benta kung hndi mo kayang ijustify ang mga products mo.Kaya ung iba na cnsabi na mahal po ung price nmin,un ay dahil kaya nmin iprove na Original ang bnebenta nmin.

Eto naman ang komento ng ilan sa ating mga netizens:

Ikaw ano ang reaksyon mo sa nangyaring ito?