Siya si Zianne Tremedal sa wala siyang ka alam-alam na noong mag simula siyang pumasok ng 3rd-year sa Southwestern University sa Cebu City, ay dalawang buwang gulang na pala siyang nag dadalang tao, talagang hindi inaasahan ng dalaga ang pangyayaring ito sa kanyang buhay dahil priority nito ang kanyang pag a-aral, panganay siya sa tatlong magkakapatid ngunit nahusgahan na black sheep ng pamilya dahil sa pasaway at palaging matigas ang ulo.
Ang kurso ni Zianne ay Medical Technology. Pumunta siya sa isang clinic malapit sa kanilang Paaralan at doon niya narinig ang first heartbeat ng kanyang baby gamit ang ultrasound.
“Naiyak ako. Hindi ko alam kung tears of joy or sadness. Pero ang sarap sa pakiramdam ‘pag narinig mo ang first heartbeat ang baby mo,” ani ni Zianne
Dahil dito nag isip ng malalim si Zianne, pinag isipan niyang mabuti kung itutuloy pa ba niya ang kanyang pag-aaral o hindi na. Nag-decide siya na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan dahil na rin sa Pangarap sa kanya ng kanyang pamilya at pangarap niya noong makapanganak siya ay dinala niya ang kanyang baby sa kanyang mga magulang at mas nag-focus sa kanyang pag-aaral.
“Gusto kong magtapos on time kasi ‘yun ang gusto ng parents ko,” kuwento ni Zianne. “Gusto ko ring maibalik sa kanila ang lahat ng binigay nila sa akin at sa anak ko.”
Araw-araw ay pumupunta ito sa Library ng kanilang paaralan at bilang tulong ay dinadala naman ng mga kaklase nito ang kanyang bag.
Pero ang pinaka mahirap daw na part ay yung pag-usapan siya ng mga tao sa paligid at nagpapangap nalamang siya na hindi niya ito naririnig.
“Masakit, nakakahiya, pero wala na akong pakialam kasi hindi naman sila ‘yung makikinabang sa mga ginagawa ko. Ako at ang baby ko naman ang makaka-benefit sa pag-aaral ko,” ani pa nito
Habang inaalagaan ng mga magulang niya ang kanyang anak, nagpapadala si Zianne ng breastmilk para sa baby niya.
“Nag-pa-pump ako habang nag-aaral,” sabi niya sa kanyang post sa Twitter.
“Ilang bottles pinupuno ko tapos nilalagay ko sa freezer at pinapadala sa Mindanao through ice bucket. Cargo lang thrice a week.” “Umiiyak ako parati. Every time na naririnig kong umiiyak siya, gusto ko nang umuwi, kaso alam ko kailangan kong tiisin ang lahat ng lungkot, kasi para sa kanya ‘yung pag-aaral ko.”
Nag bunga ang paghihirap ni Zianne noong Abril 2018 noong makamit niya ang kanyang pinakamimithing Medical Technology degree.
“Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito,” “That one mistake taught me a valuable lesson. Mahirap, pero worth it.”
Nawa ay magsilbing inspirasyon at aral na rin sa mga kabataan ang nangyari kay Zianne, oo nagkamali siya pero hindi siya sumuko sa buhay, hindi siya nag isip ng mga negatibong bagay para malusutan o mapadali ang nangyari sa buhay niya, lahat tayo ay nagkakamali pero sana ay tularan natin siya na bumangon at hindi naging hadlang ang maagang pagkakaroon ng anak upang hindi matupad ang mithiin sa buhay kaya sayo Zianne Tremedal saludo kaming lahat sa sipag, dedikasyon at tatag mo at ng Pamilya mo.
Source: mostrendingph