66-anyos na byuda nahanap ang forever sa isang Binata!

Hashtag Maynanalo na! Age doesn't matter! 'Yan ang motto ng dalawang nagmamahalang sila Salvacion Navarro 66-anyos at Arjay Riola 33-anyos binata.

Nitong mga nakaraang taon sobrang sinubok tayo ng Panahon, ang dami sa atin ang sobrang bored sa bahay, walang masyadong ginagawa, Kaya ang ilan sa ating mga kababayan ay humanap ng kanya kanyang mapag-lilbangan.

Isa na rito si Lola Salvacion Navarro na isang senior citizen at apat na taon nang biyuda, bukod sa naging libangan na niya ang panonood ng mga videos sa tiktok, ito na rin ang naging paaran niya para maipakita ang kanyang talento at upang mapawi ang kanyang pagkabagot.

Hindi naman siya nag Titktok para humanap ng magiging Forever, kundi para mag-enjoy lang at mawala ang kanyang bagot.

Wala rin daw sa plano ni Lola na mag-mahal ulit.

Ayon kay Lola Salvacion "May edad nako eh,Sino namang magmamahal sakin at sino namang mamahalin ko diba?

Pero ng dahil sa Tiktok ay tila lumambot ang puso ni Lola Salvacion

Ayon sa kanya "Dahil sa tiktok, kase theres this guy na dumaan sa fyp (for you page) niya yung tiktok ko, finollow niya ako finollow back ko rin.

Nagulat ako kase, gusto raw niyang ligawan ako, sabi ko ha? Jusko ilang taon ka na? "33" sabi ni Arjay

Anong nakain mo bakit moko liligawan?

Eto naman ang sabi ni Arjay "Bali nung nag titiktok po ako nag i-scroll po ako sa tiktok dumaan po siya sa fyp ko, nakita ko po sa profile po niya na biyuda po siya, nakita ko po yung real face niya, bali chinat ko po agad siya

Sinabi ko po na Good morning po, kamukha niyo po si ma'am Chanda Romero yung artista po.

Matapos ang ilang linggong suyuan at video call, kaagad naman sinagot ni Lola Salvacion noong February 16 si Arjay.

Marami ang natuwa sa relasyon ni Lola Salvacion at Arjay at marami rin ang mga nagtaas ng kilay, "pera-pera lang daw ang kanilang relasyon, allowance reveal, allowance weekly or monthly? Ano kayo magnanak o mag lola?"

Pero hindi sila nagpatinag sa kahit ano pa mang sinasabi ng ibang tao, ani pa ni Arjay na wala siyang hinihinging kapalit at hindi siya materyosong tao ang gusto lang daw niya ay yung mahalin siya gaya ng binibigay niyang pagmamahal dito.

Ayon kay Dr. Camille Garcia okay lang ang ganitong relasyon na halos tatlong dekada ang agwat ng edad ng magkarelasyon dahil parehas naman na silang nasa legal age.

At eto naman ang mga naging reaksyon ng mga netizens sa relasyon ng dalawa.

Talagang na Hashtag For You talaga ang dalawa dahil natagpuan na nila ang kani-kanilang forever.

Share this article!