6 years na magkarelasyon, nauwi sa hiwalayan dahil lamang sa isang taga "comfort"

Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nagngangalang Kobe Arizala matapos niyang madiskurbre ang isang napakasakit na pangyayari sa kanyang buhay.

Sa kanyang post, binahagi niya ang pagmamahalang nauwi lamang sa isang nakakalungkot na hiwalayan dahil sa isang pag"comfort" mula sa ibang tao sa tuwing sila'y may pag-aaway.

Matapos itong makita ng mga netizens, marami ang nakarelate sa kwento ni Kobe at hindi din nila mapigilang magbigay ng comment tungkol dito.

"Move on kana Lang po ... Masaya na sya sa bago nya," - Darwin-hazel Monleon Cueme

"Ayoko dumating sa punto na tatagal ako ng ganyan sa relasyon tapos mauuwi lang sa wala" - Dana E. Aranas

"6 years din syang kinocomfort nung pinalit sayo," - Juven Royo

"Kabahan na talaga sa mga taga comfort hahaha," - Charlene Madriaga

"ANG SAKIT."- Janine Marie Roma

Narito ang laman ng kanyang post...

6years kami pero pinalit niya lang ako sa nagcocomfort sa kanya tuwing nag-aaway kami. 

Ganon pala talaga 'no? Kahit legal pa kayo sa pamilya noy, kahit ilang taon na kayong magkakilala, kahit planado na future niyong dalawa, kapag dumating talaga yung point na ayaw niya na talaga sayo, pgod na sya o kaya nag sawa na, wala kang magagawa

Love isn't about the people around you, or the years, or how promising your future together is. 

Minsan kailangan mo tanggapin na dumating lang siya sa buhay mo para pasayahin ka ng panandalian

Hindi para samahan ka hababng buhay.