Julia Barreto at Gerald Anderson, MAGKASAMA nga ba sa isang PRIVATE resort?

 Kamakailan lamang usap-usapan na ang dalawang kapamilya stars na si Julia Barreto at Gerald Anderson matapos sabihin ng mga netizens na magkasama ang dalawa sa isang resort. Ito ay matapos kumalat ang isang litrato. Hindi naman nagsalita ang dalawa tungkol sa issue na ito.

Kumalat din ang isang pahayag ni Kim Chiu sa programang It's Showtime. Ito ay matapos siyang i-dare na i-like ang mga post ng ex niyang si Gerald Anderson sa Instagram account nito. 


Nang hindi sinasadya ay sinabi ni Kim na "baka lumabas si Julia dito." Ang lahat ay nagulat sa sinabi ni Kim na ito. Pati ang mga hosts gaya ni Vice Ganda ay nagulat dito.

Dahil dito mas na-curious ang mga netizen sa kung ano ang meron si Julia at Gerald. 

Isang netizen ang nagpost ng mga litrato ni Julia at Gerald na kahit di naman sila magkasama sa iisang litrato, mapapansin na parang magkasama ang dalawa sa iisang private resort. 

Napagtagpi-tagpi ng netizen na ito at nahalata niya na magkamukha ang lugar sa mga post ni Julia at Gerald.



Hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita ang dalawa sa kung ano talaga ang tunay na "score" nila.

Agad namang pinutakte ng netizens ang post na ito at sinabi nilang "Kim Chiu spilled the tea." Narito pa ang ilang comment nila...