Tila hindi nabibigyan ng pansin ang isang OFW na nasunog, 90% ng katawan nito ang nag tamo ng 3rd degree burn sa Taoyuan.

Mas kilala ang lalake sa pangalang Ford na isa sa dalawang nagtamo ng pinsala sa sunog. Nangyari ang matinding sunog sa Sci Pharmatech Linggo ng tanghali at kasalukuyan pang iniimbestigahan ang sakuna.

Ginamot sa Linkou Chang Gung Memorial Hospital si Ford ngunit pumanaw din ito

Magpapadala ng compensation ang kumpanysa sa pamilya nito at sinabihan na rin sa mga Philippine representatives ang malungkot na balita. 

Halos 600 million orders ang naapektuhan sa sunog ayon sa Financial Manager ng kumpanya. Sa mga produktong chemical nagmula  ang sunog at naganap ang malakas na pagsabog tangali ng Linggo, kasama ang seaside wind na nagpasiklab sa apoy at nadamay ang limang katabing kumpanya nito