Foreigner na Naubusan ng pera napilitang matulog sa kalsada matapos iwan ng Asawa

Karamihan sa ating mga kababayan ay nakikipag sapalaran sa ibang bansa dahil sa kahirapan, sobrang hirap naman kasi talaga ng buhay sa ating bansa lalo na kung hindi ka nakapag tapos ng iyong pag aaral, kailangan mong mag doble kayod para maitaguyod mo ang mga mahal mo sa buhay, iwan ang pamilya upang makipag sapalaran sa ibang bansa

Wala naman sigurong tao na mahal ang pamilya sa bansa niya para mangibang bansa at kayanin na malayo sa kanila, kaya ang karamihan sa ating mga kababayan ay napipilitang mangibang bansa na baka magkaroon sila ng tyansa na makaahon sa kahirapan ng buhay.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na isa ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming mangagawa sa ibang bansa

Mayroong mga kababayan natin na pinapalad at talagang yumayaman sa pangingibang bansa, sino ba naman ang ayaw yumaman at makapag pundar ng magagarang sasakyan isang bahay na kahit simple lang pero komportable kayong naninirahan at higit sa lahat may peace of mind kayo dahil may ipon kayong pera.

Pero ang pangyayaring ito ay naganap sa isa nating kababayan na ikinasal sa isang Foreigner na talaga nga namang nainlove sa ating kababayan, sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda ng mga Pinay diba?

Ang pangalan ng foreigner ay si Holger Solager siya ay taga-Denmark at talaga nga namang mayaman ito, sobrang nabighani siya sa ganda ng ating kababayan dahil bukod sa maganda na ay talaga nga namang sweet at masipag ito.

Sa sobrang bighani ni Holger sa ating kababayan ay niyaya niya itong magpakasal at pinangako na pupunta sa Pinas upang pakasalan ito at mamuhay ng may magandang buhay.

Tinupad ni Holger Solager ang pangako niya sa ating kababayan at pumunta ito sa pinas at binigyan ng malaking pera upang makapag pagawa ng sarili nilang bahay sa North-Cotabato upang makapagsimula ng buhay sa Pilipinas

Isang taon na siyang naka-stay sa ating bansa, dahil bukod sa may asawa na siya dito, mas gusto niya ang buhay dito dahil simple ngunit masaya.

Ngunit noong maubos na ang pera ni Holger ay nakita niya ang motibo ng ating kababayan, pinapalayas siya ng kanyang asawa sa kanya mismong pinagawang bahay sa Pinas.

Nalaman ni Holger na hindi pala sa kanya nakapangalan ang titulo ng bahay at lupang binili at pinagawa niya mismo, talagang na broken si Holger sa ginawa nito.

Ngayon ay na stranded ang foreigner sa airport at apat na araw na ito doon at wala siya ni piso dahil nilimas lahat ng ating kababayan kaya dahil dito ay napilitan na lamang siyang matulog sa kalsada at nagbabakasakaling may mabuting loob na tumulong sa kanya upang maka-uwi ng Denmark.

Wala siyang maayos na gamit at walang pera buti nalang at nagmagandang loob na tao upang bigyan ito ng kauting pang gastos upang makabili ng makakain.

Narito ang post na nag viral sa Facebook upang manghingi ng tulong:

"Nanghihingi po kami ng tulong sainyo nawa'y mapansin niyo. Ito po si Holger Solager galing sa Denmark. Pumunta po siya dito sa Pilipinas para pakasalan ang isang Pinay. Isang taon napo siyang nagistay dito. Sa kasamaang palad, inubos po ng babae ang kaniyang pera at iniwan. May pinapagawa rin po siyang bahay para sakanila ng babae pero kalaunan ay nalaman niyang hindi sakaniya ito nakapangalan at pinalayas pa siya ng babae. Taga North-Cotabato daw po ang kaniyang tinutukoy na babae. Apat na araw ma po siyang stranded sa airport dahil wala siyang swab test at travel pass at wala na rin po siyang natitirang pera kahit piso. Naiwan po siya ng flight niya pauwing Denmark. Sinubukan po niyang humingi ng tulong sa embassy nila ngunit pinalabas at hindi siya pinakinggan. Dahil dito, napilitan siyang matulog sa kalsada at may mga batang lumapit sakaniya at inalok siyang gumamit ng tablet para macontact niya ang mga kamaganak niya pero nagtangka lamang ang mga ito na siya ay pagnakawan. Bumalik po siya ng airport at dun po namin siya nakita. Wala na po siyang maayos na gamit at walang pera buti nalang at nagmagandang loob ang aking kaibigan na bigyan siya ng kaunting halaga. Nasa akin po ang kaniyang contact details at phone number sa kung sino man pong willing na tumulong sa kaniya. Sa ngayon, iniwan po namin siya sa airport na mag-isa. Please help us to mention #raffytulfoinaction para po sa agarang pagtulong. Maraming salamat po. Bago ko po siya pinicturan, hiningi ko po ang kaniyang approval na ipost ito. "

At narito naman ang mga komento ng ilan sa mga netizens:

Faye Jordan: Kwawa nman CIA..kya gnun nlng tingin stin ng mga foreigner.pinay mukha ng pera.. Ang HND gnagawa ng gnun na damay s situation nlang dlawa..atsaka girl swerti MNA nga pnuntahan k jn s province mo..ng foreigner n yn..cguro my Mali k rin..dpat tanggapin mo rin..kc HND nman tau perpecto db..pinag usapan SNA ninyo....

Maraasincasagan Perla: Kawawa naman kung ako nga mag 10 yrs na ako mag hahanap ng foreigners until now wala parin...sayang napunta ka Lana sa mali tao

Embraida Usman: Saan po sya nakatira ngaun?? Kawawa naman. sana naman me mga mabubuting tao na kukupkop sa kanya pansamantala

Precious Andrei O'shop: Kaya di rin natin masisi na minsan mababa tingin satin ng mga ibang lahi dahil sa kagagawan din ng kapwa kababayan natin.

Faye Jordan: Pnalitan ng password ..wla nga DW cp ung tao.pnu ngyari un..gnyan mkarating p yn s mga kmag anak Mr holger s Denmark. D bad record nman mga pinay n naghangad dn MNA asawa ng foreigner.. Kgaya ako my friend ako s Denmark ..kng I share k s knya yn girl.cgurado k ..ikalat yn s banda NLA ngyari s kbabayan NLA..prang tau dn yn.pagmy mangyari s mga dn ntin hinihingi tau ng ruling mula s government.. Pls LNG girl hanapin m CIA at mga usap kau.malaki problima m jn..lalo pag tinulungan p yn n sir Daffy tulfo..khit s bundok kpa nkatira pntahan k tlga dn..

Måriånne Kålbåch: Hanggat di nyo alam ang punot dulo po wag kayong magcomment ng ikakasira ng dalawang partido! Kung gusto nyo tumulong kyo na tumulong. Di nyo kc alam kung gaanu kahirap ng buhay ng isang dayuhang asawa!!!

Mariane Lanuza Abad: Maraming mga pinay ang mabubuting puso pero na pipili prin ng mga Foreigners ay ang my maitim na b*lak o masasamang hangarin sanay magbigay aral po ito sa lahat.

Source: Lovers Insweden