Kamakaylan lang ay talagang viral at pinag usapan ang kilalang sikat na artist/vlogger na si Mariam Al-Alawi na mas kilala bilang Ivana Alawi, kung saan ay mag paprank siya ng random na mga tao na naglalayon na tumulong sa mga may mabubuting puso.
Unang araw pa lamang ng Vlog na ito pero milyon na agad ang nanuod nito, maraming pinaiyak marami ang natauhan marami ang natuto sa naturang vlog na ito na umani naman kaagad ng samu't-saring komento ng mga netizens.
Karamihan sa mga naani nitong komento ay sana ipagpatuloy niya ang magandang gawain sa kapwa, halata raw na sobrang bait ni Ivana dahil talagang may malambot at mabuti itong kalooban at sana raw ay mas maging healthy at ligtas pa ang dalaga at ang pamilya nito.
Sa naturang Video si Ivana ay magpapanggap na isang babaeng walang pera at hindi nakauwi papuntang Baguio, titignan niya kung sino ang mag bibigay sa kanya ng pera at ang gagawin nito ay x1000 kung magkano ang binigay sa kanya.
May gasoline boy na nag bigay na talagang sinaluduhan ng marami, may vendor din na talaga namang may puso para tumulong sa kapwa nangangailangan, may barangay tanod din na akala niya ay papaalisin siya ngunit binigyan siya ng 20 pesos nito at ang mga representative na inaaya pa siya para maligo bago umuwi.
Batid ng aktress ang hirap ng buhay lalo na ngayong pandemya at malapit talaga ang puso ng dalaga sa mga taong nangangailangan at bukal din dito ang pagtulong sa kapwa.
Ngunit ang iba ay hindi natuwa dito at sinabi na labag ito sa ating batas sa Presidential Decree 1563 or the Anti-Mendicancy Law of 1978, signed by President Ferdinand E. Marcos.
Any person who abets mendicancy by giving alms directly to mendicants, exploited infants and minors on public roads, sidewalks, parks and bridges shall be punished by a fine nor exceeding P20.
Ayon sa ilang post ng netizens:
“Dude pls stop saying you’re inspired about Ivana’s video, IT’S A ᴘᴏᴠᴇʀᴛʏ ᴘ*ʀɴ y’all,” the netizen wrote.
“Presidential Decree No. 1563. Ano ang batas na ito? Ayon sa batas na ito, mahigpit na ipinagbabawal ang PAMAMALIMOS AT MAGPALIMOS,” ani ni Adam Walker.