Ngayon ay panahon ng pandemya, sino ba naman sa atin ang nakapag-handa sa pangyayaring ito? Wala namang ni isa sa atin ang may gusto na maghirap ng ganito, kasama pa rito ay pahirap din ang pangyayaring ito sa ating pang araw-araw mga trabaho, hindi makapasok dahil mahigpit sa labas, dagdag pa nito ang pahirap sa ilan nating mga kababayan dahil ultimo face-shield at facemask lamang ay hindi sila maka-bili.
Pero may ilan sa ating na bigla-bilang may dumarating na swerte sa buhay na hindi natin inaasahan, may mga tao na instant milyonaryo, gaya nalamang ng ilan nating mga kababayan na nananalo sa lotto, nananalo sa mga game shows ang ilan naman ay nananalo sa olympics at nagiging instant milyonaryo.
Gaya na lamang ng karpinterong ito na nag ngangalang Josua Hutagalung tatlong na tatlongput tatlong taon, siya ngayon ay tinaguriang “overnight millionaire” ayon sa mga netizens.
Noong una ay may ilang nag duda dito dahil posibleng peke o walang halaga ang hawak niya, o kapag naman mayroon ay limpak-limpak na salapi ang halaga nito.
Ito na nga ba ang dream come true para kay Josua o hanggang panaginip na lamang talaga ito?
Balik tayo sa pangyayari - Si Josua Hutagalung ay mangagawa ng mga kabaong sa isang subdivision sa Sumatra sa Indonesia, habang gumagawa ito ng kabaong ay may naririnig itong ingay mula sa itaas, noong una ay hindi niya masyadong pinansin ito, ngunit bigla na lamang may di umano isang malakas na pag bagsak ang narinig niya sa kanyang bubungan sa harap ng kanyang bahay.
Noong una ay takot pa ito na tignan kung ano ang di malamang bagay ang bumagsak sa bubungan ng kanyang bahay, sira ang bubungan at ang di malamang bagay na bumagsak ay bumaon na may lalim na 15centimeter sa lupa.
Ngunit malaunan noong binungkal niya ito at tinignan kung ano ang bagay na iyon ay nakita niya ang isang parang bato na may bigat na 2 kilo (4.4lb)
“Noong binuhat ko ito, mainit-init pa ito,” aniya sa isang pahayag mula sa BBC’s Indonesian service. “Kaya ang una kong naisip na ang hawak ko ay isang meteorite na galing sa kalangitan. Napaka-imposible na may taong mag babato ng bato ng ganitong kalaking bato sa aming bahay.” dagdag pa niya.
Hindi naman pangkaraniwang pangyayari ang nangyari sa bahay nila Josua na may bigla nalang babagsak na galing kalangitan, kaya naman pinicturan niya ito at sabik na sabik ipost sa kanyang Facebook account, at sa hindi inaasahang pangyayari ay talagang kumalat hindi lang sa kanilang bansa kung hindi pati na rin sa ibang mga bansa na talaga nga namang pinag-usapan.
Pati na rin ang mga scientist ay talaga namang naging interesado dito, gusto nilang mapag-aralan ang meteorite na hawak ni Josua, dagdag pa dito ay isa ito sa pinaka mahal na collector’s interest dahil ang mga meorites di umano ay 4 billion years old na at mas matanda pa ito sa ating sariling planeta, kaya naman hindi pangkaraniwan ang halaga nito.
Kaya sobrang dami ang mga gustong bumili sa hawak na meteorite ni Josua ang ilan ay mula sa US na isang meteorite enthusiast na si Jared Collins isang Amerikano na naniniraha sa Indonesia.
Makikita pa sa meteorite ang itim sa paligid nito na pinaniniwalaang palatandaan nito noong ito ay pabagsak sa lupa galing sa kalawakan, at may kakaibang amoy din ito na napakahirap daw na ipaliwanag.
Ang halaga lang naman ng sinasabing meteorite ay tumataginting na $1.8m o nasa mahigit kumulang na 90,000,000 Pesos! 90 million! Oo ganyang kalaking pera kaagad ang pera na posibleng makuha ni Josua kung ito ay kanyang ibebenta.
Ikaw kung makaka-pulot ka nito, ano ang gagawin mo?