Tumawag ng mga bumbero! Pero nung pumunta na "It's A Prank" lang pala

Isang netizen ang nag-post hinggil sa isang prank call na ginawa ng hindi pa nakikilalang indibidwal, matapos tumawag ng bumbero kahit wala umanong senyales ng sunog sa lugar sa San Juan, Malolos, Bulacan, nitong Lunes, Abril 5.

Naging viral ang photo na ipi-nost ng netizen na si Lester Polillo Macion, nang maipakita niya ang pag-responde ng dalawang fire truck ng San Juan sa nasabing lugar.

Umani ng pagkadismaya at samu’t-saring reaksiyon ang mga nakakita sa nasabing larawan, kabilang na rito ang pagsasabi na hindi umano magandang biro ang ginawa ng hindi pa nakikilalang indibidwal sa likod ng pagtawag sa mga bumbero.

Source: Lester Polillo Macion/FACEBOOK - GoBulacan

Narito naman ang mga saloobin ng mga netizens na talaga namang gigil sa pag comment at pag saludo sa mga volunteer