Karamihan sa ating mga kababayan ay nakikipag sapalaran sa ibang bansa dahil sa kahirapan, sobrang hirap naman kasi talaga ng buhay sa ating bansa lalo na kung hindi ka nakapag tapos ng iyong pag aaral, kailangan mong mag doble kayod para maitaguyod mo ang mga mahal mo sa buhay, iwan ang pamilya upang makipag sapalaran sa ibang bansa
Wala naman sigurong tao na mahal ang pamilya sa bansa niya para mangibang bansa at kayanin na malayo sa kanila, kaya ang karamihan sa ating mga kababayan ay napipilitang mangibang bansa na baka magkaroon sila ng tyansa na makaahon sa kahirapan ng buhay.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na isa ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming mangagawa sa ibang bansa.
Mayroong mga kababayan natin na pinapalad at talagang yumayaman sa pangingibang bansa, sino ba naman ang ayaw yumaman at makapag pundar ng magagarang sasakyan isang bahay na kahit simple lang pero komportable kayong naninirahan at higit sa lahat may peace of mind kayo dahil may ipon kayong pera.
Ganito ang naging kapalaran ng ating kababayan na si Michelle Valenzuela nang ibahagi nito ang kwento ng kanyang karanasan, maraming mga netizens ang namangha atkinapulutan ng aral ang pangyayaring ito.
Nag viral sa social media ang pinag daanan ni Michelle dahil karamihan talaga sa mga nagiging ina ay nawawalan ng oras para sa sarili dahil binibigay talaga nila ito para maalagaan ng mabuti ang mga anak.
Ipinakita rin nito ang kanyang mga larawan noong nasa pinas palamang siya at noong nasa abroad na siya dahil talagang kinagulat ng mga netisenz dahil tila naging ibang tao si Michelle sa pinagkaiba ng itsura niya noon sa Pinas kumpara noong nag abroad ito at kumita na ng pera.
Kwento niya na noon ay hindi niya maalagaan o maayos ang kanyang sarili dahil mas inuuna niya ang kapakanan ng kanyang anim na anak at nagdadalang tao pa siya noon.
Puro si Michelle lang ang nag tatrabaho, siya ang naglalaba, nag lilinis ng bahay, nagpapaligo sa mga batam nag luluto,nag tatrabaho dahil ang kanyang asawa ay hindi sakanya tumutulong, wala itong ginawa kung hindi uminom lang at mag sugal araw-araw.
Kita naman sa larawan kung gaano siya ka haggard sa kanyang ginagawa araw-araw, dagdag pa nito na lagi raw siyang binubugbog ng kanyang asawa at ang pinaka-nasaktan siya ay noong nag dala ang kanyang mister ng babae sa bahay nila.
Ang masaklap pa at hindi nito inaasahan, na pinalayas siya ng kanyang asawa sa kanilang bahay, kaya ang ginawa nito ay kinuha ang mga bata at umuwi nalamang sila sa kanyang nanay.
Makalipas ang ilang buwan, umisip si Michelle ng paraan kung paano kikita ng mas malaking pera upang matugunan niya ang mga pangangailangan ng anim na anak, napagpasyahan nito na pumunta nalamang sa ibang bansa upang hanapin ang swerte nito, mahirap man sa kalooban niya, wala siyang ibang choice kung hindi sumubok para sa mga bata.
Ngunit hindi pinalad si Michelle sa kanyang naging unang amo, hindi naging maganda ang naging pag trato sa kanya ng mga ito, ngunit dahil alam naman natin na iba ang sipag at dedikasyon ng mga pinoy, tila may swerteng dumating kay Michelle.
Nakahanap ito ng mabubuting amo at dahil narin dito ay pinag buti niya lalo ang trabaho niya, naka move-on na rin si Michelle sa dati niyang asawa.
Dahil na rin sa sipag ni Michelle ay naka-ipon ito ng pera at hindi lang ang kanyang buhay ang nagbago dahil pati ang kanyang itsura ay unti uting nag-iba.
Makikita na hindi na siya Losyang gaya noong bago siya umalis ng Pinas.
Dahil narin puro trabaho ang ginagawa nito, kapag may libreng oras ay napag tuunan din niya ng atensyon ang kanyang sarili na hindi niya magawa noon dahil sa sobrang pag aalaga sa mga anak at pag tatrabaho.
Habang tinutupad ni Michelle ang kanyang mga pangarap, may dumating sa kanyang balita na ang kanyang asawa ay hiwalay na sa Kabit nito.
Losyang no more, ani ng mga netizens, at ito ang ilan sa mga komento ng mga concern netizens para kay Michelle
Talagang hirap tyaga at pagpupursigi ang kailangan natin lalo na at nagkapamilya tayo, gaya nalamang sa binahagi ni Michelle na tila nakabuo ng isang malaking pamilya na kailangan niyang alagaan, minsan kailangan nating mag sakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay, oo mahirap talaga pero para sa kapakanan ng mga bata gagawin natin lahat mabuhay lang sila ng maayos, talagang saludo kami sayo Michelle Valenzuela.