Kris Aquino, hindi nagustuhan ang inasal ng kanyang mga staff dahil inubusan siya ng mga ito ng pagkain!



Sinasabi ng marami na si Kris Aquino ay isa sa mga matatawag na 'Crazy Rich Asians' dahil galing ito sa mayamang pamilya at malaki ang kinikita nya dahil sa kanyang napakagandang showbiz career.


Simula pa noon ay madalas na siyang gumawa ng mga pelikula, Tv shows at mga endorsement na naging dahilan ng kanyang tagumpay. Ngunit bago pa sya pumasok sa showbiz ay kilala na siya bilang anak ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Cory Aquino at Benigno Aquino Sr.

Matapos ang ilang taon sa industriya, hindi maikakaila na marami na siyang kinita mula rito kung kaya't marami ang nagsasabing isa siya sa mga 'Crazy Rich Asians.'

Ngunit matapos ang ilang dekada sa showbiz ay nagdesisyon ang host-actress na huminto muna sa rito at panandaliang mamahinga upang mas makaroon siya ng oras sa kanyang dalawang anak na si Bimby at Josh.

Nitong taon lamang ay nagdesisyon si Kris na bumalik sa industriya na kanya naang pormal na ibinalita sa kanyang instagram. Sinabi niyang muli siyang gumagawa ng mga shows at adverstisements ngayon.

Ibinahagi ni Kris sa kanyang pinakahuling vlog ang kanyang naging karanasan habang nasa shooting na talaga namang nagpainit umano ng ulo niya.


Nagupload siya ng video kung saan ang nagbubukas siya ng ibat ibang klaseng desserts na regalo sa kanya ng isang local foodshop.

 "We had a shoot 3 weeks ago and then sinabi ko nung natapos yung shoot, kasi I don't normally aet pang nagshu-shoot, after shoot, doon ako kakain"

Pero hindi nakapaghanada ng pagkain ang mga staff para sa kanya.


"And then nung hiningi ko, 'San na yung Roast Beef ko?' inubos nilang lahat. Wala silang tinira for me. And I said, 'Swinelduhan ko lahat, ako yung nagtrabaho, tapos wala akong food?"

Sinabi ni Kris na medyo nainis siya dahil iyun ang gusto niyang kainin nung mga oras na iyun at sobrang gabi na kung kaya't hindi na sya muli naibili pa ng kanyang mga staff.

Share this article!