Talagang pinag usapan sa social media at viral na viral ang lalaking ito sa Negros ang mga larawan ay post ni Jelly Yanong Balaod na kaagad umani ng libo libong reaksyon libo libong share at libo libong komento.
Ang ilan sa mga netizens ay ayaw paniwalaan ang katayuan ni Kuya Randys, paano nga daw ba magkakasya si Kuya Randy sa bao na tila si Patrick Star ng Spongebob.
Si Kuya Randy ay nag iisa na lamang matapos maulila sa kanyang mga mahal sa buhay, si Kuya Randy ay naninirahan lamang sa isang malaking bato sa isang masukal na lugar sa Negros.
"Masakit makita si tatay na ganyan ang higaan Taga brgy. Minapasok Calatrava Negros Occidental po siya wla na pong pamilya at sa ilalim ng bato siya natutulog." pagbabahagi ni Jelly Yanong Balaod.
Ani pa ni Jelly Yanong Balaod namumulot lamang ng makakain si Kuya Randy sa basurahan kaya noong makita nila ito ay kaagad naantig ang kanilang mga puso at binigyan ito ng malinis na makakain at maiinom.
"Namumulot lang po siya ng basura para makakain sobrang awa po ni tatay kasi paano pag my bagyo, malakas ang ulan o kidlat? kawawa namn po.. calling all my friends, Fb friends hihingi po ako ng tulong nyo para kay tatay." ayon kay Jelly Yanong Balaod.
Ayon pa kay Jelly Yanong Balaod nung unang paglabas daw ni Kuya Randy sa ilalim ng malaking bato ay napaka-mahiyain daw nito dahil marami ring taong nakatingin sa kanya kaya ang ginawa nila ay pinilit nila itong lumabas para kumain
"Ayaw daw lumabas ni kuya randy kasi sadyang mahiyain po sya pag may maraming tao, kaya nagdesisyun kami ma pumunta at kinausap ko siya na lumabas kahit saglit kasi may sasabihin at makikipag usap kami sa kanya, at thank GOD lumabas siya, at nakausap namin." ayon kay Jelly Yanong Balaod.
Base pa sa mga naging usapan si Kuya Randy daw ay nagkaroon ng matinding takot dahil sa mga hindi magagandang karanasan nito sa buhay, hindi rin daw nila ito lubos na maintindihan dahil maraming sinasabi na hindi nila maintindihan ng malinaw.
Nakalagay sa caption ng post ni Jelly ay:
"Hyssss Masakit makita c tatay na ganyan ang higaan Taga brgy. Minapasok calatrava negros occidental po siya wla na pong Pamilya sa ilalim ng bato sya natutulog, Namumulot lang po siya ng basura para makakain subrang awa po ni tatay kasi paano pag bagyo? malakas ang ulan, kidlat? kawawa namn po calling all my Friends, Fb friends hihingi po ako ng tulong nyo para kay tatay any amount wll do as long as makakain nang hustu at makatulog nang mahimbing c tatay para sa Safety lang po ni tatay sana."
"Pinuntahan talaga namin yung lugar nya kasi sabi ng naunang pumunta doon ay ayaw daw lumabas ni kuya randy kasi sadyang mahiyain po sya pag may maraming tao, kay nagdesisyun kami ma pumunta at kinausap ko sya na lumabas kahit saglit kasi may sasabihin at makikipag usap kami sa kanya, at thank GOD lumabas sya, at nakausap namin, at base sa kwentuhan namin parang dumanas ng nrvous brekdown si kuya, kasi dami nyang kinwentung mga nadaanan nyang karahasan sa buhay, taga sitio VERGARA,BRGY BUG-ANG,TOBOSO PALA talaga sya, d mo sya makausap ng maayos kasi dami nyang ibang kwento, at pinakita ko sa kanya mga dala namin groceries. Para sa kaalaman nyu ang mga groceries d ko nilagay sa mismong tutulugan nya kasi wala talaga syang alam ano ang mga iyon baka kainin lng na hilaw, kahit inumin pag bibigyan mo sya uubusin kaagad, kay sa day care worker ng minapasok ko binigay kasi sila naman ang araw araw na bumibisita kay kuya para mainumin ng gamot at pakainin.SALAMAT PO SA LAHAT NG TUMULONG. GOD BLESS
"Sa nais pang tumulong na nasa malayo, puide nyu masend sa gcash ko GCASH
"Apolonio D. Macadaya
"09770161172
Matapos ang isang araw na pag-post ni Jelly sa kalagayan ni kuya Randy ay kaagad namang dumagsa ang tulong mula sa iba nating kababayan. basahin sa ibaba:
"Update po sa lahat ng mga Donations para kay Kuya randy di ko napo kayu ma isa-isa Pero maraming salamat po, sa lahat ng Tumulong kay kuya randy at sa mga tumulong Pa , Pagpalain po kayo ng ating mahal na Panginoon
Aasahan nyupo mapupunta to lahat kay kuya randy lahat ng tulong nyo po Godbless everyone and Keep safe Always"