Sinas, hindi pinapayagan na kumuha ng photo at video ang mga witness



Philippine National Police (PNP) chief Police General Debold Sinas sinabi noong Lunes na may babala sa mga taong kumukuha ng video at larawan sa pinangyarihan ng krimen.

"I think nasa mga tao po 'yun, sa mga witness na kumuha (ng video and photos). I will not advise because very tricky 'yun. Baka mamaya kumuha ka ng video tapos baka mababalingan ka, so sa inyo po 'yun," aniya ni Sinas.

"If I may suggest, kung may mga ganoong incident, we just witness at saka ‘wag na tayo mag-interfere lalo na pag armed or dangerous 'yung suspect or 'yung mga involved," dag-dag pa nito

Kung may insidente na ganon dapat raw na idala itp agad sa mga investigators at magtestify na ikaw ang kumuha para hindi na ito matamper pa.

Sinabi ni Sinas ang insidente nabanggit na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima na sina Sonya Rufino Gregorio at kanyang anak na si Frank Anthony. Gayunman, sinabi ng punong PNP na ang insidente ay isang nakahiwalay na kaso.

source: pinoyformosa.com

Share this article!