Isa sa mga usap-usapan ngayon na talaga namang kinaawaan ng mga netizens ang Lolong ito hirap nang tumayo si Lolo at may karamdaman na hindi na rin ito makatayo dahil nanghihina na ito
Ayon sa isang concern netizen na si Faith Jhen Vicera, hindi niya kaano-ano si tatay ngunit nahabag ang damdamin nito ng makita niya ang kalagayan ng matanda, kaya naisipan niyang kuhanan ng larawan ito at daliang humingi ng tulong si Faith Jhen Vicera kay Idol Raffy Tulfo upang agarang maaksyunan ang problema ni tatay
Narito ang panawagan nito:
Sir Raffy sana po mapansin niyo po itong post kong ito. Humihingi po ako ng tulong para po kay tatay.. Di ko po siya kaano-ano nakatira po siya dito malapit samin…May sakit po si tatay at diyan po siya nakatira sa maliit na lugar na yan. Di ko po alam ang kwento ni tatay kasi hindi ko po siya nakakusap ng maayos.May mga kamag-anak po siya dito pero nasa ganyan po siyang kalagayan inaalagaan naman daw po si tatay. Pero hirap napo si tatay sa pagtayo kaya di na din po alam kung paano siya aalagaan. Sana po kung maari mapa-ayos naman ang hinihigaan niya umaraw o umulan nandiyan lang po siya. Sobrang payat po niya nakakaawa po ang kalagayan niya nawa po ay isa din po siya sa matulungan niyo sir Raffy.
Wala din po ako maitutulong sa kalagayan niya. Ito lang po naisip kong paraan palagi po ako nanunonood ng programa niyo. Nakatira po si tatay dito sa mabuhay st. Pangarap Village, Sapang Alat Road, Caloocan City. Sa mga nakakabasa po ng post kopa help naman po na maitag kay sir Raffy itong post ko. Tulungan po natin si tatay.
Narito naman ang komento ng ilan sa mga netizens na talaga namang naglabas ng sama ng loob:
Lumaki ako sa lolo at lola ko pero mensan hindi ko naisip pabayaan Ang matatanda...kahit mahirap alagaan pero masarap sa pakiramdam n nakikita mong masaya sila sa natitira nilang buhay
Be grateful dahil may magulang pa kayo, marami dyan at kagaya ko na wala nang tumatayong ama. Laging pangaral sa akin ng mama ko, hangga’t buhay pa magulang mo matuto kang humingi ng tawad sa kanila dahil dadating ang panahon na mamamatay sila at kung doon mo lang mapapagtanto lahat kahit umiyak ka pa ng dugo wala ka nang magagawa para maibalik sila.
Ng isilang ka sa mundong ito laking tuwa ng magulang mo at ang kamay nila ang iyong ilaw.Ito agad ang pumasok sa isip ko naawa ako sobra ki tatay 😥 Sorry to the family of tatay but I need to say this “Wala kayong utang sa loob sa magulang nyo”. Sino diti napaluha simula hanggang dulo ng makita si tatay
Grabi !!! Tiniis ng mga anak nia ganun2 na lang Ang papa nila ??? Mga walang kwentang mga anak ,, mahirap din po kami pero Hindi namin makaya yan sa papa namin Mahal na Mahal po namin papa namin ,at sa ngayon 80 na po sia at malusog papa namin,kahit ano mang naging kasalanan ng magulang natin ,,still magulang parin natin po SILA ,,, Kai tATAY paka tatag at paka lakas ka po tATAY god bless
Ako pinabayaan ng magulang ko mula pagka bata. Namulat ako walang ama at hindi ko sya kilala. Nanay ko nag-asawa ulit nagka anak at pinabayaan ulit. Ng mamatay lola ko namasukan na ako ng katulong sa idad na 13yrs old binuhay ko sarili ko. Hanggang sa makapag asawa ako. Sa Ngayon matanda na sya lumapit na sya sa aming mga anak at may sakit na sa ngayon bingi na sya. Kaya po sana idol tulongan mo po nanay ko na sana makarinig sya ulit dahil wala po akong kkayahan na palagyan sya ng hearing aid. Maraming salamat po at umaasa po ako na matulongan mo ang nanay ko
Ako pinabayaan ng magulang ko mula pagka bata. Namulat ako walang ama at hindi ko sya kilala. Nanay ko nag-asawa ulit nagka anak at pinabayaan ulit. Ng mamatay lola ko namasukan na ako ng katulong sa idad na 13yrs old binuhay ko sarili ko. Hanggang sa makapag asawa ako. Sa Ngayon matanda na sya lumapit na sya sa aming mga anak at may sakit na sa ngayon bingi na sya. Kaya po sana idol tulongan mo po nanay ko na sana makarinig sya ulit dahil wala po akong kkayahan na palagyan sya ng hearing aid. Maraming salamat po at umaasa po ako na matulongan mo ang nanay ko